Wednesday, July 4, 2012

TSINELAS FESTIVAL 2012 (Liliw, Laguna): Infairness, nahirapan ako i-capture to mismo


Bakit nga ba sila nag aapura umakyat jan? Na halos masisira na ang "Socialite" footwear and bags?

Tadaaaah! For this!


Umuulan ng pera, baaaaaby! Hahahaha. 


Una, nakakatakot sa mismong eksena nyan. Hahaha para ka kasing madadaganan ng mga tao. Lahat kasi sila agresibo masalo yung pera na nalalaglag galing sa heaven. Chos. Hahahaha

Pangalawa, walang age limit to. Bata to matanda to super tanda, nakikigulo. 

Pangatlo, hinding hindi imposible na magkaron ng away o gulo sa gantong set up. AT! Ang ganda lang ng eksenang Umaakyat ang mga tao dun sa "Socialite"na poste para makakuha ng pera. Kung nagets niyo kung bakit. Mehe!

Pang apat, hindi ka siguro kumportable nung mapanuods mo na nakita mo nag aagawan mga tao sa pera. Pero me inggits and "ang swerte naman ng mga yan" na feeling ka a litol inside. Hahahaha, kasi ako meron e. Joke. Hahahaha

Pang lima, dumapo din siguro sa isip mo na dahil yan sa hirap ng buhay kaya pumapayag makigulo mga tao at umasa na lang sa swerte na makakasalo ng pera. Kasi nga, mahirap maging mahirap. Ahuh ahuh! Hahahah!

Pero ako, saken, ewan. Festival yan eh! Haha, at hindi lang din kasi pera bumabagsak jan, nagtatapon din ng mga tsinelas yung ilan at ng kung anu ano pa (Depende sa ikinabubuhay nila) :D Yun ang totoong ganap diyan :) 

Nung una, windang din ako, pero ilang beses ko din kasi to inulit ulit panuorin at kung anu ano na din naisip at naalala ko. Mi ultimo stampede nung Wowowee naalala ko. Haha, pero nakakatuwa din na kahit sa anong hirap pa ng buhay, nakakapag celebrate pa din ng mga ganyang festival mga Pinoy! at wala namang nag away. apir! Nung wala nang nagbato, wala na ding tao eh. Hahaha

Lalung, nuodins niyo ult yung video, and tingnan niyo ibat ibang reakshon ng mga tao! Hahaha

Ma-aappreciate ko kung me ma ko-comment kayo about sa nasaksihan niyong video or sa picture. Hihi







No comments:

Post a Comment